Roman von Ungern-Sternberg
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Baron Roman von Ungern-Sternberg (Ruso: Барон Ро́берт-Ни́колай-Максими́лиан Рома́н Фёдорович фон У́нгерн-Ште́рнберг Latin: Roman Nikolai Maximilian von Ungern-Sternberg, Disyembre 29, 1885 – Septyebre 15, 1921) ay isang warlord na nagmula sa bansang Rusya. Kilala bilang kontra-komunismo at kontra-Bolshevik na tinyente-heneral ng nagdaang Digmaang Sibil sa Rusya, ang kanyang mga kawal sa Asya ay kumontrol sa Hilagang Tsina at sa Mongolya noong 1921. Binansagan siyang The Bloody Baron (Ang Madugong Baron) dahil sa kanyang marahas na pamamaraan ng pakikipaglaban.
Datu Roman bon Urgin Mahakala Baron Roman von Ungern-Sternberg | |
---|---|
Kapanganakan | 29 Disyembre 1885(1885-12-29) Graz, Austria-Hungary |
Kamatayan | 15 Setyembre 1921(1921-09-15) (edad 35) Novosibirsk, Russian Soviet Federative Socialist Republic |
Katapatan | Russian Empire Mongolia (1911–24) |
Sangay | |
Taon ng paglilingkod | 1906–1921 |
Ranggo | Lieutenant general |
Hinawakang hanay | Kawal Asyatiko |
Labanan/digmaan |
|
Parangal |
|
Siya rin ay panatiko ng Relihiyong Budismo, at tumulong kay Boyud Khan (pinunong pang-relihiyon at sekular ng mga Mongol) upang palayain ang Mongolia. Pinalaya niya ang Heneral ng Urga na si Katan-bator Magsaryab mula sa pagpapahirap ng nga Tsino at ang Urga mula sa militarismo ng isa ring warlord na si Heneral Xu Shuzeng ng Tsina.
Noong huling bahagi ng 1921 nang manalo ang mga Bolsyebik sa Rusya, nahuli si Roman ng mga komunista sa Silangang Rusya. Nabilango at binitay siya noong Setyembre 1921 sa edad na 35 sa Novosibirsk, sa katatag palang na Unyong Sobyet.