Talaan ng mga metropolitan area sa Asya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Mabilis ang paglaki ng mga populasyon sa Asya. Makikita ito sa mabilis na urbanisasyon at mataas na paglaki ng mga lungsod nito. Ang lungsod ng Tokyo sa bansang Hapón ay ang pinakamalaking metropolitan area batay sa populasyon nito.
Kinuha ang populasyon ng mga sumusunod na lungsod mula sa tatlong pangunahing sanggunian:
- Mga lungsod
- Atlas ng Mundo
- Opisyal na pambansang pagtataya
Ipinapakita sa baba nang naka-bold ang sanggunian na may pinakamataas na pagtataya. Ito ang ginagamit na basehan ng pagraranggo sa mga lungsod na nakalista sa baba.
Paalala:
- Ang opisyal na estadistika para sa mga lungsod sa Tsina ay para sa mga munisipalidad na madalas nagsasama sa populasyon sa labas ng mga pamayanang urban nito (mga pamayanang rural). Kung sakaling lumalagpas ang mga estadistikang jto sa mga pagtataya, tulad ng mga kaso ng mga lungsod ng Chongqing, Wuhan, at Shenyang, hindi ito ikokonsidera.
- Kasama sa populasyon ng lungsod para sa lungsod ng Shanghai ang lungsod ng Suzhou (mga bandang 100 km (62 mi) hilagang-kanluran mula sa Shanghai), na hindi isinasama sa ibang mga pagtataya o sa mga opisyal na estadistika, kaya naman, hindi rin ito ikokonsidera.
- Ang populasyon ng lungsod para sa lungsod ng Guangzhou ay para sa populasyon ng pamahalaang urban ng buong lalawigan ng Guangdong, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Shenzhen, Dongguan, Zhongshan, Jiangmen, at Huizhou. Hindi pa sa ngayon ginagawang metropolitan area ang lugar kaya naman hindi rin ito ikokonsidera. Nakalista nang hiwalay ang mga populasyon ng Shenzhen at Dongguan.
- Binigay ng Demographia at ng Atlas ng Mundo ang mga populasyon para sa magkakalapit na lungsod ng Quanzhou, Jinjiang at Shishi. Isinasama sa populasyon ang mga populasyon ng tatlong lungsod na ito para sa Xiamen (populasyon: 4–4.8 milyon), kaya umabot ito ng populasyon na 10 milyon. Gayunpaman, hindi talaga malapit ang Xiamen sa tatlong nabanggit na lungsod kaya naman hindi rin ito ikokonsidera.
- Isinasama sa populasyon ng Delhi ang mga lungsod ng Faridabad, Ghaziabad, at Gurgaon, na hindi isinasama sa iba pang mga pagtataya o sa mga opisyal na estadistika kaya naman hindi rin ito ikokonsidera.
- Isinasama sa populasyon ng Mumbai ang mga lungsod ng Bhiwandi, Kalyan, Thane, Ulhasnagar, at Vasai-Virar, na hindi isinasama sa ibang mga pagtataya o sa mga opisyal na estadistika kaya naman hindi rin ito ikokonsidera.
Nakakulay ang talahanayan sa baba para maipakita ang rehiyon ng lungsod sa Asya.
May dalawampung lungsod ang Silangang Asya sa talaan. Ang Tsina ang nangungunang bansa sa talaan, na may labinlimang lungsod. Sinundan sila ng Timog Asya na may sampung lungsod; pito sa sampung ito ay nasa India. May pitong lungsod naman dito ang nasa Timog-silangang Asya, samantang may apat na lungsod naman ang nasa Kanlurang Asya. Walang metropolitan area sa Gitna o sa Hilagang Asya ang nasa talaan.