Adolfo López Mateos
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Adolfo López Mateos[1] (26 Mayo 1909 – 22 Setyembre 1969) ay isang Mehikanong politiko na kaugnay sa Partidong Rebolusyonaryo Institusyonal (Institutional Revolutionary Party, PRI) na naglingkod bilang Pangulo ng Mehiko mula 1958 hanggang 1964. Bilang presidente, isinabansa niya ang mga kompanya ng kuryente, nilikha niya ang Komisyong Pambansa para sa mga Libreng Araling-Aklat (1959) at itinaguyod ang paglikha ng mga mahahalagang museo, katulad ng Museo ng Kasaysayang Likas at Museo ng Antropolohiya sa Lungsod ng Mehiko. Isa siyang propesor at direktor sa Pang-agham at Pampanitikang Panimulaan ng Toluca. Pinamunuan niya ang Partidong Rebolusyonaryo Institusyonal. Nagsilbi din siya bilang isang senador-pederal mula 1946 hanggang 1952, at ministro ng Gawain at Kabutihang Panglipunan mula 1952 hanggang 1958.[1]
Adolfo López Mateos | |
---|---|
Pangulo ng Mehiko | |
Nasa puwesto 1 Disyembre 1958 – 30 Nobyembre 1964 | |
Nakaraang sinundan | Adolfo Ruiz Cortines |
Sinundan ni | Gustavo Díaz Ordaz |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | 26 Mayo 1909(1909-05-26) Atizapán de Zaragoza, Estado ng Mehiko, Mehiko |
Namatay | 22 Setyembre 1969(1969-09-22) (edad 60) Lungsod ng Mehiko, Mehiko |
Kabansaan | Mehikano |
Partidong pampolitika | Partidong Rebolusyonaryo Institusyonal |
Asawa | Eva Sámano |