Emperador Itoku
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Emperador Itoku (553 BK - Oktubre 1, 477 BK), na kilala rin bilang si Oyamatohikosukitomo no Mikoto (Hapones: 大倭日子鉏友命), ay ang ikaapat na emperador ng Hapon ayon sa kinamihasnang kaayusan ng halinlinan. Itinatagurian siya bilang isang "maalamat na emperador" ng mga mananalaysay dahil ang kanyang aktuwal na pag-iral ay pinagtatalunan. Sinasabing naghari siya mula 510 BK hanggang sa kanyang pagkamatay noong 477 BK, kung saan sinundan siya ng kanyang panganay na anak na si Emperador Kosho. Siya ang ikaapat na emperador na naghari sa panahon ng puktol ng Jomon, na tumagal mula 14,000 BK hanggang 300 BK.
Agarang impormasyon Emperador Itoku 懿徳天皇, Panahon ...
Emperador Itoku 懿徳天皇 | |
---|---|
Panahon | Marso 9, 510 BK – Oktubre 1, 477 BK (tradisyonal) |
Sinundan | Emperador Annei |
Sumunod | Emperador Kosho |
Asawa | Emperatris Amonotoyototsu-hime |
Anak | |
Pangalan pagkamatay | |
Kun'yomi: Oyamatohikosukitomo no Sumeramikoto (大日本彦耜友天皇); Oyamatohikosukitomo no Mikoto (大倭日子鉏友命) On'yomi: Emperador Itoku (懿徳天皇) | |
Lalad | Imperyal na Bahay ng Hapon |
Ama | Emperador Annei |
Ina | Emperatris Nunasoko-Nakatsu-hime |
Kapanganakan | Oyamatohikosukitomo (大日本彦耜友尊) 553 BK |
Kamatayan | Oktubre 1, 477 BK (edad 76) |
Libingan | Unebi-yama no minami no Manago no tani no e no misasagi (畝傍山南纖沙溪上陵) Kashihara, Nara, Hapon (maalamat) |
Pananampalataya | Shinto |
Isara