Nagyelong yogurt
panghimagas na pinatigas sa lamig / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang nagyelong yogurt (tinatawag din sa Ingles: frozen yogurt, frozen yoghurt o frogurt; nakikilala rin sa mga tatak pangkalakal bilang Froyo /ˈfroʊjoʊ/) ay isang pinatagas sa lamig na panghimagas na naglalaman ng yogurt o iba pang mga produktong gawa sa gatas. Ito ay bahagyang mas maasim kaysa sa sorbetes, at mas mababa ito sa taba (dahil sa paggamit ng gatas sa halip na krema). Ito ay naiiba mula sa ice milk (kilala sa tawag na low-fat o light ice-cream), na hindi isinasama ang yogurt bilang isang sangkap.