Ophiolite
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang opiyolita o ophiolite /ˈɒfiəlaɪt/ ay isang bahagi ng pang-ibabaw (crust) ng karagatan ng Daigdig at ang nasa ilalim ng dakong taas ng manta na pinataas at binuyag sa tas ng antas ng dagat kadalasang nakalagay sa mga batong pang-ibabaw ng lupalop. Ang Ophio ay Griyegong salita para sa ahas (ὄφις), at nangangahulagang bato ang lite na mula sa Griyegong lithos (λίθος), hango sa kadalasang luntiang kulay na mga bato (mga spilite at serpentinite]) na binubuo ng maraming ophiolite. Unang inilarawan ang salita ni Alexandre Brongniart noong 1813 sa mga luntiang bato na kaniyang namasdan sa mga bundok ng Alpes. Ang salitang ophis ay ginamit dahil sa mahibla at luntiang mineral (serpentine) na kawangis ng balat ng ahas. Kinalaunan, dinagdag ang mga batong "diabase-splite at chert" sa paglalarawan ng mga ophiolite (ang Santatlong Steinmann).