Tagagamit:Doseihito/Pagbabanghay ng mga pandiwa sa wikang Hapon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga pandiwa sa wikang Hapon, tulad ng mga pandiwa sa ibang wika, ay puwedeng baguhin upang maiba ang layon, pananarinari o kahulugan – isang proseso na kilala bilang pagbabanghay. Sa wikang Hapon, ang simula ng isang salita (ang salitang-ugat) ay karaniwang pinapanatiling pareho habang nagbabanghay, habang ang katapusan ng salita ay binabago upang baguhin ang kahulugan (ito ang hulaping pabagu-bago). Hindi katulad sa ibang wika, ang mga pagbabanghay ng mga pandiwa sa wikang Hapon ay malaya sa panauhan (hal. unang/pangalawang/ikatlong panauhan), kasarian (hal. pambabae/panlalaki/di-tiyak) at kailanan ng paksa (hal. isahan/dalawahan/maramihan).