Talaan ng mga lungsod sa Hapon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ito ay isang talaan ng mga lungsod sa bansang Hapon, na nakaayos ayon sa prepektura at ayon sa petsa ng pagtatag. Maaayos din ang talaan ayon sa pangalan, populasyon, laki, at dami ng tao. Karamihan sa malaking mga lungsod sa Hapon ay mga lungsod na itinalaga ayon sa ordinansang pampamahalaan. Itinalaga namang mga core city ang ilang mahalagang mga lungsod sa loob ng mga prepektura.
Hindi kasama sa talaan ang kabisera, Tokyo, sapagkat binuwag ang Lungsod ng Tokyo noong Hulyo 1, 1943. Umiiral ngayon ang Tokyo bilang isang natatanging kalakhang prepektura (都 to), kalakip ng 23 natatanging mga purok (special wards, na may parehong katayuan tulad ng isang lungsod) sa silangang hati ng prepektura. Ang 23 natatanging mga purok ay bumubuo sa teritoryo ng dating lungsod ng Tokyo.