Veganism
isang pilosopiya na tumatanggi sa paggamit ng mga hayop / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang veganism ay isang pilosopiya at gawi ng pamumuhay na ang mga tagasunod ay naglalayong huwag isama ang paggamit ng mga hayop bilang pagkain, damit, o para sa anumang mga layunin.[1][2] Nagpupursigi ang mga vegan na hindi gumamit o kumonsumo ng anumang uri ng mga produktong hayop.[3] Pinaka pangkaraniwang mga dahilan sa pagiging isang vegan ang kalusugang pangtao, paninindigang maka-etika o matibay at matatag na paniniwala hinggil sa mga karapatan ng hayop o kapakanan, ang kapaligiran, at mga malasakit na pangkaluluwa o pangpananampalataya.[2][4][5] Isa sa tiyak alintana para sa mga vegan ang mga gawaing kinasasangkutan ng pagsasakang pampabrika at pagsubok ng mga hayop, at ang masugid na paggamit ng lupain at iba pang mga pangangailangan para sa paghahayupan.
Ang tamang pinlanong mga diyetang vegan ay makapangkalusugan at natuklasang nakakaabot sa mga pangangailangang pangnutrisyon, at maaaring maglaan ng proteksiyon laban sa sakit sa puso, kanser, at iba pang mga karamdaman.[6] Ang hindi planadong mga diyetang vegan ay maaaring may mababang antas ng kalsyo, iyodo, [[bitamina B12|bitamin BPadron:Ssub]], yero[7][8] at bitamina D. Samu't saring mga pagtatanung-tanong sa mga tao ang nag-ulat na ang mga vegan ay nasa pagitan ng 0.2%[4] at 1.3%[9] ng populasyon ng Estados Unidos, at nasa pagitan ng 0.25%[5] a 0.4%[10] ng populasyon ng Nagkakaisang Kaharian.