Ammon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Padron:History of Jordan Ang Ammon (Ammonite: 𐤏𐤌𐤍 ʻAmān; Hebreo: עַמּוֹן ʻAmmōn; Arabe: عمّون, romanisado: ʻAmmūn) ay isnag bansa sa Sinaunang Malapit na Silangan na matatagpuan sa Ilog Hordan sa pagitan ng mga lambak ng Arnon at Jabbok sa kasalukuyang Jordan.[1][2]Ang pangunahing siyudad nito ang The Rabbah o Rabbat Ammon na lugar ng modernong kabisera ng Jordan na Amman. Milcom at Moloch ay pinangalanan sa Tanank na mga pambansang Diyos ng Ammon. Ang mga Ammoneo ay tumiral sa Talampas na Trans-Hordan mula ika-2 milenyo BCE hanggang ika-2 siglo CE. Ang Ammon ay naging independiyente mula sa Imperyong Neo-Asirya (ika-10 hanggang ika-7 siglo BCE) sa pamamagitan ng pagbibigay ng tributo sa mga hari nito nang sakupin ng Asirya ang mga kaharian sa rehiyon. Ang Mga Monolitang Kurkh ay nagtatala sa mga hukbo ng haring Ammoneo na si Baasha ben Ruhubi kasama ng mga hukbo ni Ahab na hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) laban kayShalmaneser III sa Labanan ng Qarqar noong ca. 853 BCE na posibleng mga basalyo niHadadezer na hari ng Aram. Noong 734 BCE, ang haring Ammoneo na si Sanipu ay naging basalyo ni Tiglath-Pileser III at ang kahalili ni Sanipu na si Pudu-ilu ay nagkaroon ng parehong posisyon sa ilalim ni Sennacherib (r. 705–681) at Esarhaddon (r. 681–669).[3] Kalaunan, ang haring Ammoneo na si Amminadab I (Padron:Floruit) ang isa sa mga tributaryong nagdusa sa kampanya ni Assurbanipal.
Kaharian ng Ammon 𐤏𐤌𐤍
| |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
c. 10th century – 332 BCE | |||||||
Katayuan | Monarkiya | ||||||
Kabisera | Rabbath Ammon (Amman)1 | ||||||
Karaniwang wika | Ammonite, Moabite | ||||||
Relihiyon | Milkomite | ||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||
• Around 1000 BCE | Hanun | ||||||
• 740–720 BCE | Sanipu | ||||||
• 680–640 BCE | Amminadab I | ||||||
Panahon | Iron Age | ||||||
• Naitatag | ika-10 siglo BCE | ||||||
853 BCE | |||||||
• Pananakop ni Dakilang Alejandro | 332 BCE | ||||||
• Rabbat Ammon na muling pinangalanan bilang Philadelphia | 248–282 BCE | ||||||
| |||||||
Bahagi ngayon ng | Jordan |