El (diyos)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ʼĒl (o 'Il, Ugaritic: 𐎛𐎍 ʾīl; Penisyo: 𐤀𐤋 ʾīl;[2] Hebreo: אֵל ʾēl; Siriako: ܐܺܝܠ ʾīyl; Arabe: إيل ʾīl or إله ʾilāh; cognate to Acadio: 𒀭, romanisado: ilu) ay isang salitang Semitiko bilang angkop na pangngalan para sa isa sa maraming mga pangunahing Diyos sa Sinaunang Malapit na Silangan. Ang mas bihirang anyo na 'ila ay kumakatawan sa anyong predikado sa Lumanong Akkadio at wikang Amoreo.[3] Ang salitang ito ay hinago sa wikang Proto-Semitiko na *ʔil- na nangangahulugang Diyos.[4]
Agarang impormasyon Ibang mga pangalan, Symbol ...
El | |
---|---|
Hari ng mga Diyos | |
Ibang mga pangalan |
|
Symbol | Toro |
Konsorte (Asawa) |
|
Mga anak |
(Mga relihiyong Ugaritiko) |
Rehiyon | Canaan at Levant |
Isara
Naglalaman po ang artikulong ito ng mga Ugaritic text. Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga Ugaritic alphabet kung hindi po suportado ang pag-render sa mga ito.
Agarang impormasyon Isang serye tungkol sa mga mito sa Matabang Gasuklay ...
Isang serye tungkol sa mga mito sa Matabang Gasuklay | |
---|---|
Mesopotamio | |
Levantino | |
Arabe | |
Sinaunang Malapit na Silangan | |
Levant | |
| |
Isara
Ang Diyos na si 'El or 'Il ay tumutukoy sa Supremang Diyos sa Sinaunang relihiyong Cananeo gayundin sa Supremang Diyos ng tagapagsalita ng wikang Semitiko sa Panahong Maagang Dinastiko ng Mesopotamia.[5]].[6]