Francfort Rin-Meno
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kalakhang Rehiyon ng Rin-Meno, kadalasang simpleng tinutukoy bilang Francfort Rin-Meno, pook Francfort Rin-Meno o pook Rin Meno (Aleman: Rhein-Main-Gebiet o Frankfurt/Rhein-Main, pinaikling FRM), ay ang pangalawang- pinakamalaking kalakhang rehiyon ng Alemanya pagkatapos ng Rin-Ruhr, na may kabuuang populasyon na higit sa 5.8 milyon. Ang rehiyong kalakhan ay matatagpuan sa gitnang kanlurang bahagi ng Alemanya, at umaabot sa mga bahagi ng tatlong estadong Aleman: Hesse, Renania-Palatinado, at Baviera. Ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ay ang Francfort del Meno, Wiesbaden, Maguncia, Darmstadt, Offenbach, Worms, Hanau, at Aschaffenburg.
Kalakhang rehiyon ng Rin-Meno Rhein-Main-Gebiet | |
---|---|
Mapa ng kalakhang rehiyon ng Rin-Meno | |
Bansa | Germany |
Estado | Hesse Rhineland-Palatinate Bavaria |
Mga pinakamalaking lungsod | Francfort del Meno Wiesbaden Mainz Darmstadt |
Pamahalaan | |
• Uri | Frankfurt/Rhine-Main Conurbation Planning Association |
• Verbandsdirektor | Thomas Horn (CDU) |
Lawak | |
• Metro | 14,800 km2 (5,700 milya kuwadrado) |
Populasyon (2019)[2] | |
• Metro | 5,808,518 |
• Densidad sa metro | 390/km2 (1,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
GMP | 2017 |
Nominal | €268 billion[3] |
Websayt | Planungsverband.de |
Ang polisentrikong rehiyon ay pinangalanan pagkatapos ng pangunahing lungsod nito, ang Francfort, at ang dalawang ilog na Rin at Meno. Ang lugar ng Francfort Rin-Meno ay opisyal na itinalaga bilang isang Europeong Kalakhang rehiyon ng Ministeryo Federal ng Transportasyon, Gusali, at Usaping Urbano ng Alemanya at sumasaklaw sa isang lugar na humigit-kumulang 13,000 square kilometre (5,000 mi kuw) .