Harriet Tubman
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Harriet Tubman (ipinanganak bilang Araminta Ross; c. 1820 ā 10 Marso 1913) ay isang Amerikanang Aprikanang abolisyonista, humanitaryano, at espiya ng Unyon noong panahon ng Digmaang sibil ng Amerika. Pagkatapos makatakas mula sa pagkakakulong, siya ay nakagawa ng labintatlong misyon upang mailigtas ang mahigit sa pitongpung mga alipin [1] gamit ang mga sangay ng mga aktibistang laban sa pang-aalipin at mga ligtas na bahay na kilala bilang Pang-ilalim ng Lupa na Daambakal. Tinulungan din niya ang mga tauhan ni John Brown para sa paglusob nito sa Harpes Ferry, at sa paglaban para sa karapatang bumoto (suprahiyo) pagkatapos ng digmaan.
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Pebrero 2014) |
Harriet Tubman | |
---|---|
Kapanganakan | c. 1820 Dorchester County, Maryland |
Kamatayan | 10 Marso 1913 |
Asawa | John Tubman, Nelson Davies |
Magulang | Ben at Harriet Greene Ross |
Siya ay ipinanganak sa pang-aalipin sa Dorchester County, Maryland, at siya ay kadalasang pinapalo at nilalatigo ng kanyang iba't ibang amo nang siya ay bata pa. Noong bata pa siya, siya ay nakaranas ng isang makasit na sugat sa kanyang ulo ng ang kanyang galit na galit na amo bumato ng isang mabigat na bakal sa kanya, na intensiyong batuhin ang isa pang alipin. Ang sugat ay nagdulot ng labis na pananakit, sakit sa ulo, at nakakaranas ng matinding pangitain at pananaginip, at nagdulot ng hypersomia na naranasan niya sa kabuuan ng kanyang buhay. Siya ay isang debotong Kristiyano, sinasabi niya ang kanyang mga nakikita at mga panaginip ay premonisyon mula sa Panginoon.
Noong 1849, Si Tubman ay tumakas patungong Philadelphia, at agarang bumalik sa Maryland upang iligtas ang kanyang pamilya. Unti unti, isang pangkat bawat pagkakataon, dinala niya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng estado, at lumaon ay ginabayan pa ang dose-dosenang mga alipin sa kanilang kalayaan. Naglalakbay tuwing gabi sa labis na kalihiman, si Tubman (o "Moses", ang tawag sa kanya) ay hindi nawalan ng pasahero. Mga bigating mga pabuya ang inaalok sa kanya ng maraming taong natulungan niya, subalit walang sino man ang nakakaalam na siya ay si Harriet Tubman, ang taong tumutulong sa kanila.
Nang magsimula ang Digmaang Sibil ng Amerika, nagtrabaho si Tubman sa Sandatahan Unyon, na nagsimula bilang kusinera at nars, at naging scout at ispiya. Siya rin ang kauna-unahang babaeng namuno sa expedisyong armado sa digmaan, ginabayan niya ang paglusob sa Ilog Combahee, na nagpalya sa karagdagang pitong daang mga alipin. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nagretiro sa bahay ng kanilang pamilya sa Auburn, New York, kung saan inalagaan niya ang kanyang matatandang magulang. Siya ay aktibo sa kilusang karapatang humalal hanggang siya ay dapuan ng karamdaman at siya ay dinala sa isalng bahay para sa mga matatandang Amerikanong Aprikano na dati niyang tinulungan. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, siya ay naging sagisag ng Katapangan at kalayaan ng mga Amerikano.