Mga manunulat na kababaihang Pilipino
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kasaysayan ng mga manunulat na kababaihang Pilipino ay isang paglalarawan kung paano naging mga pampanitikang "kasintahan ng tinta" at mga "binibini at ginang na nagtutulak ng mga pluma" ang mga Pilipinong kababaihan, na nakalikha ng mga akdang kathang-isip at makasaysayang mga aklat ng kuwento, tula, nobela, maiikling salaysayin, sanaysay, talambuhay ng ibang tao, sariling-talambuhay, at iba pang mga anyo ng pagsusulat. Nagsisipagsulat sa Ingles, Kastila, Filipino at iba pang mga katutubong wika at diyalekto, kinasangkapan ng mga babaeng manunulat mula sa kapuluan ng Pilipinas ang panitikan bilang mga buhay na mga tinig ng kanilang mga sariling karanasan, kaisipan, diwang pandama, pananaw sa kanilang mga sarili, politika, kasaysayan ng Pilipinas at ng mundo. Ginamit nila ang panitikan na may pagsalungat sa tradisyong oral o ang paggamit ng paglalahad na sadyang ginagamitan ng tinig lamang noong mga nakalipas na mga panahon. Kinasangkapan nila ang "kapangyarihan ng pluma" at ng nalimbag na salita upang mabuwag ang tinatawag na "Malaki at Malawak na Katahimikan ng mga Dantaon" ng mga Pilipinong kababaihang kasapi, kasama, at taga-ambag sa progreso at pagunlad ng Republikang Pilipino, at dahil dito maging sa iba pang bahagi ng mundo. Inilapat ng mga kababaihang Pilipino ang mga "nilalaman" ng kanilang pluma sa ibabaw ng nakalatag na papel para iharap, ipadama, at ilarawan ang kanilang sariling imahen at kalinangan sa mundo, kung paano nila nakikita ang kanilang mga sarili.[1][2]