Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020
Palaro ng ika-XXXII Olimpiyada, na gaganapin sa Tokyo, Hapon / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2020 (Hapon: 2020年夏季オリンピック, Hepburn: Nisen Nijū-nen Kaki Orinpikku)[lower-alpha 2], na opisyal na kilala bilang Palaro ng Ika-XXXII Olimpiyada[lower-alpha 3] at karaniwang kilala bilang Tokyo 2020 (tōkyō ni-zero-ni-zero)[1], ay isang pandaigdigang palarong pampalakasan na itinakdang gaganapin sa lungsod ng Tokyo, Hapon. Ang mga palaro ay unang itinakdang gaganapin mula 24 Hulyo – 9 Agosto 2020, ngunit bilang tugon sa pandemyang COVID-19[2], ipinahayag ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) at ng kumiteng tagapag-ayos ng Lungsod ng Tokyo noong 24 Marso 2020 na ang palaro ay ipagpapaliban hanggang 2021, at gaganapin ng hindi tatagal sa tag-init ng 2021. Ang palaro ay tatawagin at kikilalanin pa rin bilang Tokyo 2020, bagama't may pagbabago sa iskedyul.[3] Napagkasunduan ng IOC at ng kumiteng tagapag-ayos ng lungsod ang mga bagong petsa para sa palaro noong 30 Marso 2020. Ayon sa nabuong palatuntunan, bubuksan ang palaro sa 23 Hulyo 2021, habang ang pagsasara ay magaganap sa ika-8 ng Agosto. Ang kasunod na Palaro sa Taglamig sa Beijing naman ay nakatakdang buksan sa 4 Pebrero 2022, anim na buwan matapos itong palaro.
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. (Agosto 2021) |
Palaro ng XXXII Olimpiyada Hapones: 2020年夏季オリンピック Nisen Nijū-nen Kaki Orinpikku | |
Punong-abala | Tokyo, Japan |
---|---|
Salawikain | United by emotion (Filipino: Pinag-isa ng emosyon) Hapones: 感動で、私たちはひとつになる, romanisado: Kandō de, watashitachi wa hitotsu ni naru, lit. 'Dahil sa emosyon naging isa tayo'[lower-alpha 1] |
Estadistika | |
Bansa | 206 (inaasahan) |
Atleta | 11,091 (inaasahan) |
Paligsahan | 339 sa 33 palakasan (50 disiplina) |
Seremonya | |
Binuksan | Hulyo 23, 2021 |
Sinara | Agosto 8, 2021 |
Estadyo | Japan National Stadium |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 2016 Rio de Janeiro Susunod 2024 Paris |
Taglamig | Nakaraan 2018 PyeongChang Susunod 2022 Beijing |
Nahalal ang lungsod na ito noong 7 Setyembre 2013 sa ika-125 sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Buenos Aires, Arhentina.[4] Ito ang magiging ikalawang pagkakataon na ang Hapon, partikular na ang Tokyo, ang magdaraos ng Palarong Olimpiko sa Taginit, ang una bilang noong 1964, at ang unang lungsod sa Asya na maglulunsad ng Palaro sa Tag-Init ng dalawang beses. Sa pangkalahatan, ito ang magiging ika-apat na Palarong Olimpikong gaganapin sa Hapon, na nagdaos rin ng Palarong Olimpiko sa Taglamig noong 1972 (Sapporo) at 1998 (Nagano). Ang mga Palarong 2020 ang magiging ikalawa sa tatlong sunod-sunod na mga Palarong Olimpiko na magaganap sa Timog Asya, ang una bilang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2018 sa probinsya ng Pyeongchang, Timog Korea, at ang susunod bilang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022 sa Beijing, Tsina.
Balak simulan ng Palarong ito ang ilang bago at karagadagang mga kumpetisyon sa Palarong Olimpiko sa Taginit, kabilang ang 3x3 basketbol, malayang BMX, at Madison cycling, pati rin mga karagdagang halong labanan. Sa ilalim ng mga bagong pulisiya ng IOC na nagbibigay pahintulot sa kumiteng tagapag-ayos ng punong-abalang lungsod na magdagdag ng mga laro sa programang Olimipiko upang palawigin ang palagiang buod ng mga larong Olimpiko, balak rin ng palarong ito na idagdag ang karatedo, sport climbing, pagsusurp at skatebording, at ibalik ang beysbol at sofbol para sa unang pagkakataon mula noon 2008.