Pamantasang Teknikal ng Berlin
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pamantasang Teknikal ng Berlin (Ingles: Technical University of Berlin, Aleman: Technische Universität Berlin, kilala rin bilang TU Berlin) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Berlin, Alemanya. Ito ay itinatag noong 1879 at naging isa sa pinakaprestihiyosong institusyon ng edukasyon sa Europa. Ito ay isa sa may pinakamataas na proporsyon ng internasyonal na mag-aaral sa Alemanya, halos 20% ay naka-enrol noong 2016.
Ang TU Berlin ay isang miyembro ng TU9, isang inkorporadong samahan ng pinakamalaki at pinakatanyag na instituto ng teknolohiya ng Alemanya, at miyembro rin ito ng Top Industrial Managers for Europe network,[1] na nagbibigay-daan sa pagpapalitan ng mag-aaral ng mga nangungunang paaralang panteknolohiya. Ito ay kabilang din sa Conference of European Schools for Advanced Engineering Education and Research.[2] Ang TU Berlin ay tahanan ng dalawang sentro ng inobasyon na itinalaga ng European Institute of Innovation and Technology.
Ang unibersidad ay kilala para sa mataas nitong ranggo sa mga programang panteknolohiya, lalo na sa inhinyeriyang mekanikal at pamamahalang pang-inhinyero.[3] Ang mga nagtapos at guro ng unibersidad ay kinabibilangan ng mga miyembro ng mga pambansang akademya ng Estados Unidos,[4] dalawang National Medal of Science laureates[5][6] at sampung Nobel Prize winners.[7][8][9]