Bhumibol Adulyadej
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Bhumibol Adulyadej (Thai: ภูมิพลอดุลยเดช; RTGS: Phumiphon Adunyadet; binibigkas [pʰuː.mí.pʰon ʔa.dun.ja.dèːt] ( pakinggan); see full title below; (ipinanganak Lunes, 5 Disyembre 1927 - 13 Oktubre 2016 Huwebes, 13 Oktubre 2016 sa taon ng mga kuneho), ay ang dating hari ng bansang Thailand. Opisyal na tinatawag bilang "the Great" ([1][2][3][4])
Bhumibol Adulyadej ภูมิพลอดุลยเดช | |
---|---|
King Rama IX | |
Rama IX in 2010 | |
Panahon | 9 June 1946 – 13 October 2016 |
Koronasyon | 5 May 1950 |
Sinundan | Ananda Mahidol (Rama VIII) |
Sumunod | Prem Tinsulanonda (Regent) |
Prime Ministers | See list
|
Asawa | Sirikit Kitiyakara (k. 1950) |
Anak | Ubolratana Rajakanya Vajiralongkorn Sirindhorn Chulabhorn Walailak |
Lalad | House of Mahidol Chakri Dynasty |
Ama | Mahidol Adulyadej, Prince of Songkla |
Ina | Srinagarindra, The Princess Mother |
Kapanganakan | 5 Disyembre 1927(1927-12-05) Cambridge, Massachusetts, United States |
Kamatayan | 13 Oktobre 2016(2016-10-13) (edad 88) Siriraj Hospital, Bangkok, Thailand |
Lagda | |
Pananampalataya | Theravada Buddhism |
Bhumibol Adulyadej | |
---|---|
Pangalang Thai | |
Thai | ภูมิพลอดุลยเดช |
RTGS | Phumiphon Adunyadet |
Datapwat si Bhumibol ay isang haring konstitusyonal, siya ay sa maraming pagkakataon, nagkaroon ng mga desisyon na nagkaroon ng epekto sa politika ng Thailand, kasama na ang krisis pampolitika noong taong 2005-2006. Siya ay itinuturing na susi sa pagbabagong demokratiko ng bansa noong dekada 90, ngunit sa mas maagang panahon ng kanyang panunungkulan ay sinuportahan niya ang rehimeng militar. Sa kasalukuyan, in-endorso niya ang military junta na nagpatalsik sa rehimen ni Thaksin Shinawatra noong kudeta ng taong 2006. Isang bilyonaryo at isa sa mga pinakamayamang tao sa buong mundo, ginamit ni Bhumibol ang ilang bahagi ng kanyang kayamanan upang pondohan ang mga proyektong pampaunlad lalo na sa mga kabukiran. Siya ay popular sa buong Thailand at pinaniniwalaang kalahating-banal (semi-divine) ng ilang Thai. Ang kanyang mga kritiko, na karamihan ay nasa labas ng bansa, ay isinisisi ito sa supresyon o pagpigil ng kritisismo laban sa hari at ng kanyang rehimen.[5]
Si Vajiralongkorn (Rama X), ang kanyang anak, ay ang kasalukuyang hari ng Thailand.