Central Japan Railway Company
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Central Japan Railway Company[* 1] (東海旅客鉄道株式会社, Tōkai Ryokaku Tetsudō Kabushiki-gaisha) (TYO: 9022) ay ang pangunahing kompanyang daangbakal na nagpapatakbo sa rehiyong Chūbu (Nagoya) ng gitnang Hapon. Kadalasang pinapaikli ang opisyal na pangalan sa Ingles na JR Central at sa Hapones na JR Tōkai (JR東海). Makikita ang pinakapunong gusali nito sa JR Central Towers sa Nakamura-ku, Nagoya, Prepektura ng Aichi.[6]
- Maaring isalin sa Tagalog na "Kompanya ng Daangbakal sa Gitnang Hapon"
Uri | Public KK (TYO: 9022) |
---|---|
Industriya | Pribadong daangbakal |
Ninuno | Pambansang Daangbakal ng Hapon (JNR) |
Itinatag | 1 Abril 1987 (pagsasapribado ng JNR) |
Punong-tanggapan | JR Central Towers , 1-1-4 Meieki, Nakamura-ku, Nagoya, Aichi 450-6101 Hapon |
Pinaglilingkuran | Rehiyon ng Tokai |
Pangunahing tauhan | Yoshiyuki Kasai, Pinuno Masayuki Matsumoto, Pangulo |
Produkto | TOICA, EX-IC (nakakargahang walang dikitang smart card) |
Serbisyo | pampasaherong daangbakal [1] serbisyo para sa ahensiyang paglalakbay[1] wholesale and retail[1] operasyon sa pagpaparada[1] totoong estado [1] pagkain at inumin [1] casualty insurance [1] iba pang kaugnay na serbisyo [1] |
Kita | ¥1,503,083 milyon (2011)[2] |
Kita sa operasyon | ¥349,347 milyon (2011)[2] |
Netong kita | ¥133,807 milyon (2011)[2] |
Kabuuang pag-aari | ¥5,252,993 milyon (2011)[2] |
Kabuuang equity | ¥1,246,154 milyon (2011)[2] |
May-ari | Mizuho Corporate Bank (4.37%)[3] Japan Trustee Services Bank (4.29%)[3] The Master Trust Bank of Japan (3.48%)[3] The Nomura Trust & Banking Co. (3.18%)[3] The Bank of Tokyo-Mitsubishi UFJ (2.98%)[3] Nippon Life (2.23%)[3] Toyota Motors (1.79%)[3] The JR Central Employees Shareholding Association (1.73%)[3] Mizuho Bank (1.53%)[3] (as of 31 Marso 2009) |
Dami ng empleyado | 16,193 (batay noong 31 Marso 2008)[1] |
Dibisyon | Conventional lines operations[4] Shinkansen operations[4] |
Subsidiyariyo | 39 na pangkat ng mga kompanya,[1] kasama na ang Nippon Sharyo (simula pa noong oktubre 2008)[5] |
Website | english.jr-central.co.jp/index.html |
Kompanya ng Daangbakal sa Gitnang Hapon | |||
JR Central N700 Series Shinkansen Nozomi train | |||
Operasyon | |||
Pambansang daangbakal | Japan Railways Group | ||
Kompanyang pang-imprastraktura | Japan Railway Construction, Transport and Technology Agency | ||
Estadistika | |||
Mananakay | 0.528 bilyon kada taon[1] | ||
Pampasaherong km | 55.811 bilyon kada taon[1] | ||
Haba ng sistema | |||
Total | 1,970.8 km (1,224.6 mi) [1] | ||
Dalawahang riles | 1,086.8 km (675.3 mi) (55.1%) [1] | ||
Kinuryentehan | 1,491.7 km (926.9 mi) (75.7%)[1] | ||
Mataas na mabilis | 552.6 km (343.4 mi) (28.0%)[1] | ||
Gulga | |||
Pangunahin | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Mataas na mabilis | 1,435 mm (4 ft 8 1⁄2 in) | ||
Kinuryentehan | |||
Pangunahin | 1,500 V DC overhead catenary 1,418.2 km (881.2 mi)[1] | ||
25 kV AC 60 Hz overhead | 552.6 km (343.4 mi)[1] Tokaido Shinkansen | ||
Tampok | |||
Bilang ng istasyon | 403[1] | ||
|
Makikita sa Estasyon ng Nagoya ang kanilang pinakapunong estasyon. Sa Pangunahing Linya ng Tōkaidō na sa pagitan ng Estasyon ng Atami at Estasyon ng Maibara ang pinakaabalang estasyon na kanilang pinapatakbo. Pinapatakbo rin ng JR Central ang Tōkaidō Shinkansen sa pagitan ng Estasyon ng Tokyo at Estasyon ng Shin-Ōsaka. Karagdagan, responsable rin ito sa Chūō Shinkansen—isang mungkahing serbisyong Maglev sa pagitan ng Estasyon ng Tokyo (o Estasyon ng Shinagawa) at Estasyon ng Ōsaka (o Estasyon ng Shin-Ōsaka), na kung saan mayroon nang maliit na linya ang naitayo na. Sa kasalukuyan, nagpapatupad ng ilang paunang gawain ang kompanya sa kanilang mga shinkansen sa mga opisyales ng daangbakal mula sa iba't-ibang bansa upang maipalaganap ang teknolohiyang tulad nito sa ibang bansa.[7]
Kilala ang JR Central bilang pinakamalaking kumikitang kompanya at may pinakamaraming pasahero sa mga mabilis na tren na umaabot sa 138 milyon na pasahero noong 2009, na kinokonsedera na mas malaki pa sa mga sumasakay ng eroplano sa taong ito.[8] Nakapagtala ang Hapon ng kabuuang 289 milyong pasahero mula sa mabilis na tren noong 2009.[8]