Funimation
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Funimation ay isang estasyon ng telebisyon at kompanyang Amerikano na namamahagi ng mga anime at pelikulang Silangang Asyano na nakabase sa Flower Mound, Texas. Ang istudyo ay naging pinakamalaking tagapamahagi ng anime at ibang mga banyagang palabas sa Hilagang Amerika hanggang sa nakahabol ang ibang mga kompanya, tulad ng Sentai Filmworks. Ang kanilang pinakasikat na seryeng palabas ay ang Dragon Ball Z na ginawa ng Toei Animation, kung saan nagkaroon ng matagumpay na pagpapalabas sa block ng Cartoon Network na Toonami mula 1998 hanggang 2003, at muling ipinalabas sa DVD at Blu-ray nang ilang beses. Nagsimula ang Funimation noong Mayo 9, 1994 na itinatag ni Gen Fukunaga at ang kanyang asawa na si Cindy bilang Funimation Productions, kung saan pino-pondohan ito ni Daniel Cocanougher at ng kanyang pamilya, na naging mamumuhunan ng kompanya. Ibinenta ang Funimation sa Navarre Corporation noong Mayo 11, 2005 at pinalitan ang pangalan ng kompanya bilang Funimation Entertainment. Noong Abril 2011, ibinenta ng Navarre ang Funimation sa isang grupo ng mga mamumuhunan kabilang na si Fukunaga sa halagang $24 milyon.[3] Sa parehong taon, ang tatak ng kompanya na bola, bituin at bughaw na baras ay tinanggal mula sa logo at pinalitan ang pangalan bilang Funimation.[4] Noong Mayo 2013, isinama ng Funimation ang lahat ng kanilang dibisyon sa ilalim ng bagong kompanya na Group 1200 Media. Ang Funimation ay ang pinagsamang salitang Ingles na "fun" at "animation".
Uri | Pribado Sabsidyari ng Group 1200 Media[1] |
---|---|
Industriya | Multimedyang libangan |
Dyanra | Anime Hapones/Asyanong Sinehan Banyagang libangan etc. |
Itinatag | Mayo 9, 1994 bilang Funimation Productions[2] |
Nagtatag | Gen Fukunaga Cindy Fukunaga |
Punong-tanggapan | , |
Pinaglilingkuran | Hilagang Amerika |
Pangunahing tauhan | Gen Fukunaga Pangulo/CEO Mike DuBoise EVP/CCO |
Magulang | Independente (1994-2005, 2011-2013) Navarre Corporation (2005-2011) Group 1200 Media (2013-kasalukuyan) |
Subsidiyariyo | Giant Ape Media GameSamba |
Website | funimation.com |