Kabayo-kabayohan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kabayo-kabayohan[3] (Ingles: seahorse[4]) ay isang uri ng isdang kamukha ng kabayong panlupa. Kabilang ito sa sari ng mga Hippocampus na kasama sa mga pamilya ng mga Syngnathidae, na kinabibilangan din ng mga isdang-tubo at mga madahong dragong-dagat. Matatagpuan ang mga kabayo-kabayohan sa mga tropikal at subtropikal na mga dalampasigan at mga anyon ng tubig na mabato at mabuhangin (reef) sa kabuuan ng mga karagatan ng Pasipiko, Atlantiko at Indiya.
Kabayo-kabayohan | |
---|---|
Hippocampus (sari) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | Syngnathiformes |
Pamilya: | Syngnathidae |
Sari: | Hippocampus Cuvier, 1816[2] |
Uri | |
Basahin ang lathalain para sa mga uri. |
Ang mga may-gulang na mga kabayo-kabayohan ay karaniwang may habang 13.3 mm (0.52 pulgada) mula ulo-hanggang-buntot, katulad ng bagong-tuklas lamang na Hippocampus denise,[5] hanggang 35 sm [cm] (13.78 pulgada). Ang mga kabayo-kabayohan at mga isdang-tubo ay natatangi sa pagiging kaisa-isang sari kung saan ang mga lalaki ang nagbubuntis.[6]
May panlikod na palikpik ang kabayo-kabayohan na nalagay sa ibabang bahagi ng katawan at mga palikpik sa may harapan ng dibdib na nakalagay sa may ulunan malapit sa mga hasang.
Ang mga dragong-dagat ay malapit na kamag-anak ng mga kabayo-kabayohan ngunit mayroong mas malalaking mga katawan at parang mga dahong mga tangkay o sanga na nakatutulong sa pagkukubli sa mga lumulutang na mga halamang dagat o himlayan ng mga kelp. Kumakain ang mga kabayo-kabayohan at mga dragong-dagat ng mga maliliit at mala-uod na mga isda (mga punla) at ng mga ampipoda, katulad ng mga maliliit at mala-hipong krustasyano na kung tawagin ay mga mysid (oppossum shrimp, hipong oposum). Hinihigop nila ang kanilang mga pagkain sa pamamagitan ng mga maliliit na bibig. Ang karamihan sa mga ampipodang ito ay kumakain ng mga pulang alga na namumuhay sa mga lilim ng mga kagubatan ng mga kelp kung saan naninirahan ang mga dragong-dagat.