Lingua franca
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lingua franca ( /ˌlɪŋɡwə ˈfræŋkə/; lit. na 'Prangkong wika'),[1] na kilala rin bilang wikang tulay, karaniwang wika, wika pangkalakal, wikang pantulong, o wikang nag-uugnay, ay isang wika o diyalekto na sistematikong ginamit upang makapagsalita sa isa't isa ang mga taong nagkakaiba sa katutubong wika o diyalekto, lalo na kung ito ay pangatlong wika na iba sa dalawang katutubong wika ng nananalita.[2]
Nabuo ang mga lingua franca sa buong mundo sa buong kasaysayan ng tao, kung minsan dahil sa mga dahilang komersyal (tinaguriang "wikang pangalakal" na nagpadali sa kalakalan), ngunit para rin sa dahilang kultural, relihiyoso, diplomatiko at pang-administratibo, at bilang paraan ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga dalub-agham at mga iba pang iskolar ng iba't ibang nasyonalidad.[3][4] Nakuha ang termino mula sa edad medyang Mediteraneong Lingua Franca, isang wikang pabalbal batay sa Romanse na ginamit (lalo na ng mga mangangalakal at marino) bilang lingua franca sa Rehiyon ng Mediteraneo mula ika-11 hanggang ika-19 na siglo. Ang wikang pandaigdig – isang wika na sinasalita sa buong mundo at ng mararaming tao – ay isang wika na maaaring sumilbi bilang pandaigdigang lingua franca.