Maharlika
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Maharlika ay isang uri ng makalumang mandirigma sa sinaunang lipunang Tagalog sa isla ng Luzon sa Pilipinas na tinatawag sa Espanyol bilang Hidalgos, at nangangahulugang malayang tao, libres o mga nakalaya sa pagka-alipin.[1] Nabibilang sila sa mas mababang uri ng maharlika tulad ng Timawa ng mga mamamayang Bisaya . Sa modernong Pilipino, gayunpaman, ang termino ay napagkakamalan na nangangahulugang "dugong bughaw" o "aristokrasya", na ang tunay na kahulugan ay limitado lamang sa namamanang antas ng Maginoo.[2]