Mary MacKillop
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Mary MacKillop (15 Enero 1842 ā 8 Agosto 1909), kilala rin bilang Santa Maria ng Krus,[1] ay isang Australyanang Romano Katolikong madre na kasama ni Padre Julian Tenison Woods ay nagtatag ng Mga Kapatid na Babae ni San Jose ng Banal na Puso at isang bilang ng mga paaralan at mga institusyong pangkabutihan ng tao sa kahabaan ng Australasya na may pagbibigay ng diin sa edukasyon ng mga mahihirap, partikular na sa mga pook na nasa labas ng mga lungsod. Magmula noong kanyang kamatayan, nakabighani siya ng benerasyon sa Australya at sa labas ng bansang ito. Si MacKillop ang tanging Australyanong nakanonisa.
Noong 17 Hulyo 2008, nagdasal si Papa Benedicto XVI sa kanyang libingan nang dumalaw sa Sydney para sa Araw ng Kabataan ng Daigdig ng 2008. Noong 19 Disyembre 2009, pinayagan ni Papa Benedicto XVI ang pagkilala ng Simbahang Romano Katoliko sa pangalawang himalang ikinakabit sa pamamagitan ni Mary MacKillop.[2] Nakanonisa siya noong 17 Oktubre 2010 sa Lungsod ng Batikano,[3][4][5] na naging sanhi ng kanyang pagiging unang kinikilalang santong Australyano.[6]