Miss Universe 1978
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1978 ay ang ika-27 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Centro de Convenciones de Acapulco, Acapulco, Mehiko noong Hulyo 24, 1978.
Miss Universe 1978 | |
---|---|
Petsa | 24 Hulyo 1978 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Convenciones de Acapulco, Acapulco, Mehiko |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal: |
Lumahok | 75 |
Placements | 12 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Margaret Gardiner Timog Aprika |
Congeniality | Sophia Titus Trinidad at Tobago |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Alamjeet Kaur Chauhan Indiya |
Photogenic | Maribel Fernández Kosta Rika |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Janelle Commissiong ng Trinidad at Tobago si Margaret Gardiner ng Timog Aprika bilang Miss Universe 1978.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Timog Aprika sa kasaysayan ng kompetisyon.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Judi Andersen ng Estados Unidos, habang nagtapos bilang second runner-up si Guillermina Ruiz ng Espanya.[4][5]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-limang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikalabindalawang pagkakataon, samantalang si Helen O'Connell ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[6]