Pandemya ng trangkaso ng 2009
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pandemyang Influenza A (H1N1) ay isang epidemya ng isang flu virus na natuklasan lamang noong Abril 2009, kilala ito bilang "trangkasong baboy (swine flu)". Ang pinagmulan ng pagkalat nito sa mga tao ay hindi pa rin nalalaman. Ang mga kasong unang natuklasan sa E.U. at ang mga opisyales ay nagsuspetya na may kaugnayan ang pangyayaring ito sa mga naunang pagsilakbo ng sakit na katulad ng trangkaso sa Mehiko. Ilang araw ang lumipas at daang-daang kaso ang naitala sa Mehiko, ilan sa mga kasong ito ay malala, pati na rin ang E.U. ay nakapagtala ng mga kaso at ilang pang mga bansa sa hilagang kalahati ng mundo. Hindi nagtagal mula noon, ang S.P.K. ng U.N., kasama ang C.D.C ng E.U. ay nagpahayag na ang A(H1N1) ay maaring maging pandaigdigang sakit, at ang S.P.K. ay itinaas na sa "Ika-5 Antas" na hanggang anim ang kahandaan para sa naturing na sakit, bilang "signal that a pandemic is at the imminent level".
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Nobyembre 2011) |
Sakit | Influenza |
---|---|
Uri ng birus | Pandemya ng H1N1/09 virus |
Lokasyon | Buong mundo |
Unang kaso | Hilagang Amerika[1][2] |
Petsa ng pagdating | Enero 2009 – 10 Agosto 2010[3][4] |
Pinagmulan | Veracruz, Veracruz, Mehiko[1][5] |
Kumpirmadong kaso | 491,382 (lab-confirmed)[6] |
Pinaghihinalaang kaso‡ | 700 milyon to 1.4 bilyon (estimation)[7] |
Patay | lab-confirmed deaths reported to WHO: 18,449[8] (flu patients were generally not tested)[9] |
‡ Ang mga pinaghihinalaang kaso ay hindi pa nakumpirma sa ngayon dahil sa strain na ito na sinusubukan sa laboratoryo, bagaman may ilang ibang strain na hindi na pinaghihinalaan. |
Kahit na ang mga virologists ang nagsasabing ang sakuna ay malumanay at mas malubha ang mga naunang sakuna kaysa dito[10], may ilang opisyales para sa kalusugan, kabilang ang direktor ng C.D.C. na si Richard Besser, ay nag-aalala sa maaring mangyari sa mga susunod na taon, na nagsasabing "we are not seeing any sign of this petering out. We are still on the upswing of the epidemic curve. The number of cases is expected to rise as the new flu spreads across the country."[11] Kung susuriin pa, maraming eksperto ay nababahala dahil ang bagong bayrus ay maaring lumala at mag-bago sa mga darating na buwan, na maaring magdulot ng mas delikado at mas malawakang pagsilakbo ng bayrus sa mga susunod na taon.
Ang bagong sakit ay nag-mimistulang magkahalo ng apat na klase ng Bayrus trangkaso A subtipo H1N1.[12] Ang mga pagsusuri sa C.D.C. ay kinilala ang apat na magkakaibang uri ng bayrus bilang isa sa trangkasong pantao, isa sa trangkasong pang-ibon, at dalawa sa trangkasong ng baboy.[12] Pero, ang ibang siyentipiko ay nagsabi na ang pagkakasuri sa mga kaurian ng trangkasong ng baboy ng 2009 (A/H1N1) ang nagpapatunay na lahat ng bahagi ng RNA ay mula sa pinagmumulan ng trangkaso ng baboy,[13] at "this preliminary analysis suggests at least two swine ancestors to the current H1N1, one of them related to the triple reassortant viruses isolated in North America in 1998."[14] May trangkaso ng baboy na mula sa mga ninuno ay laganap sa Estados Unidos, at yung isa sa Euro-Asya.[12]