Prato
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Prato ( /ˈprɑːtoʊ/ PRAH-toh Italyano: [ˈpraːto] (listen)) ay isang lungsod at komuna (munisipalidad) sa Toscana, Italya, ang kabesera ng Lalawigan ng Prato. Ang lungsod ay nasa hilagang silangan ng Toscana, sa paanan ng Monte Retaia, may taas na 768 metro (2,520 tal), ang huling rurok sa bulubundukin ng Calvana. Sa higit sa 195,000 na mga naninirahan, ang Prato ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Toscana (pagkatapos ng Florencia) at ang pangatlo sa pinakamalaking sa Gitnang Italya (pagkatapos ng Roma at Florencia).
Prato | |
---|---|
Comune di Prato | |
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Italy Toscana" nor "Template:Location map Italy Toscana" exists | |
Mga koordinado: 43°52′48″N 11°05′54″E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Toscana |
Lalawigan | Prato (PO) |
Mga frazione | Tingnan ang talaan |
Pamahalaan | |
• Mayor | Matteo Biffoni |
Lawak | |
• Kabuuan | 97.35 km2 (37.59 milya kuwadrado) |
Taas | 65 m (213 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 193,325 |
• Kapal | 2,000/km2 (5,100/milya kuwadrado) |
Demonym | Pratese |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 59100 |
Kodigo sa pagpihit | 0574 |
Santong Patron | San Esteban |
Saint day | Disyembre 26 |
Websayt | Opisyal na website |
Sa kasaysayan, ang ekonomiya ng Prato ay nakabatay sa industriya ng tela at ang distrito nito ang pinakamalaki sa Europa. Ang distrito ng habi ng Prato ay binubuo ng humigit-kumulang 7000 mga kompanya ng modya, na nakakuha ng humigit-kumulang 2 bilyong euro mula sa mga pagluluwas.[3] Ang kilalang mga sinupan ni Datini ay isang makabuluhang koleksiyon ng mga huling dokumentong medyebal tungkol sa kasaysayan ng ekonomiya at kalakalan, na ginawa sa pagitan ng 1363 at 1410.[4]