Talaan ng mga lungsod sa Iowa
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Iowa ay isang estado na matatagpuan sa Gitna-Kanlurang Estados Unidos. Magmula noong 2010, may 947 mga nasapi (o nainkorporadang) lungsod sa estado. Sang-ayon sa Senso ng Estados Unidos noong 2010, may 3,046,355 katao ang estado at lawak na 55,857.13 milya kuwadrado (144,669.3 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Iowa sa 99 na mga kondado at may 947 lungsod. Bawat nasaping pamayanan sa Iowa ay tinatawag na "lungsod," maliit man o malaki ang populasyon.
Ayon sa senso noong 2010, 1,950,256 sa 3,046,355 katao ng estado ay nakatira sa mga pook urbano na sumusuma sa 64.0% ng populasyon.[1] Batay sa populasyon, ang kabisera na Des Moines ay ang pinakamalaking lungsod na may 203,433 katao, at ang mga pinakamaliit na lungsod ay Beaconsfield at Le Roy, na kapuwa may tig-lalabinlimang katao sang-ayon sa senso 2010.[1]