Talaan ng mga lungsod sa Oklahoma
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Oklahoma ay isang estado na matatagpuan sa Katimugang Estados Unidos.[1] Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, pandalawampu't-walong pinakamataong estado ang Oklahoma na may &0000000003751616.0000003,751,616 katao at panlabinsiyam na pinakamalaking estado ayon sa lawak ng lupa na imaabot sa 68,594.92 milya kuwadrado (177,660.0 kilometro kuwadrado).[2] Nahahati ang Oklahoma sa 77 kondado at mayroong 597 mga nainkorporadang munisipalidad na binubuo ng mga lungsod at bayan.[3]
Sa estado ng Oklahoma, ang mga lungsod ay mga nasaping (o nainkorporadang) pamayanan na may populasyong 1,000 o pataas at nasapi bilang mga lungsod.[4] Limitado lamang ang mga bayan sa uring town board ng pamahalaang munisipal. Ang mga lungsod ay maaaring pumili alinman sa mga uri ng pamahalaang munisipal: aldermanic, mayoral, council-manager, at kartang home-rule.[5] Maaari ring humiling ang mga lungsod upang masapi (o mainkorporada) bilang mga bayan.[6]