Talaan ng mga lungsod sa Wyoming
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Wyoming ay isang estado sa Kanlurang Estados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, ang Wyoming ay ang estadong may pinakakaunting populasyon sa buong bansa na may &0000000000563767.000000563,767 katao, subalit ito ay pansiyam na pinakamalaking estado ayon sa lawak ng lupa na umaabot sa 97,093.14 milya kuwadrado (251,470.1 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Wyoming sa 23 kondado at may 99 na mga nainkorporadang munisipalidad na binubuo ng 19 na lungsod at 80 bayan.[2] Ang kabisera ng estado, Cheyenne, ay ang pinakamalaking lungsod na may halos 60,000 katao, at ang lungsod ng Casper naman ang pinakamalaki sa lawak ng lupa na umaabot sa 26.9 milya kuwadrado (70 kilometro kuwadrado).[1]