Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao[1][2] (Ingles: Human Development Index, daglat: HDI) sa Ingles ay isang talatuntunan o indeks na ginagamit upang sukatin o iranggo ang mga bansa ayon sa antas ng kaunlarang panlipunan at ekonomiya ng isang bansa at karaniwang nagpapahiwatig kung ang isang bansa ay maunlad, umuunlad, o kulang sa pag-unlad.