Yale
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Yale ay isang lumang estilong serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Matthew Carter at unang nilabas noong 2004. Kinomisyon ito ng Pamantasang Yale para sa lahat ng kanilang karatula, promosyonal at panloob na mga materyal.
Agarang impormasyon Kategorya, Klasipikasyon ...
Kategorya | Serif |
---|---|
Klasipikasyon | Lumang estilong serif |
Mga nagdisenyo | Matthew Carter |
Kinomisyon | Pamantasang Yale |
Foundry | Carter & Cone |
Petsa ng pagkalabas | 2004 |
Isara
Noong 2010, nasama ang Yale sa "Ten Typefaces of the Decade" ng magasin na Print.[1] Naimpluwensiya ito ng Bembo, isang popular na pamilya ng tipo ng titik para sa aklat na ginawa ng Monotype, at kawangis ng nakaraang gawa ni Carter, ang ITC Galliard.[2][3]